GRUPONG MI ULTIMO ADIOS SA KLASE NI PROFESSOR MONICO M. ATIENZA

Grupong Mi Ultimo Adios sa Klase ni Prof. Monico M. Atienza, Tag-araw '04-'05

Wednesday, May 25, 2005

Paano Ginawa Ang Mga Reaksiyon

Lahat ng mga artikulo ng mga teaksiyon ay sinuri ng bawat miyembro ng grupo, pagkatapos ay nag-usap-usap ang grupo at ibinigay ang bawat palagay tungkol sa mga artikulo o mga websites, pagkatapos ay inatasan ang bawat isa na isulat ang mga reaksiyon base sa mga napag-usapan. Kung sino sino ang mga gumawa ng artikulo ay nasa "profile" ng mga pangalan ng mga gumawa sa website na ito.

Sana po ay may matutunan o mapulot kayo sa pag e-explore sa aming website.

Maraming salamat po :)

Sunday, May 08, 2005

JOYCE MAE DEOCAREZA

02-58824. BA Comparative lit. CAL.

sumulat ng reaksiyon sa:
The Indolence of the Filipinos
Reaksiyon sa State of Religiosity of the Philippines

KENNETH ABARCA

sumulat ng reaksiyon sa:
BAKIT “FILIPINONG HUMANIDADES”?
The Philippines A Century Hence

GERALD PETER BOLOTAOLO

Nickname: Peter

Student Number: 01-48920

Year: 4

College: Engineering

Course: Industrial Engineering

Affiliations: UP IE Club, UP Crest

Interests: Sports, books, Music

What you see is not what you get!!!

I’m often delusional but more often than this I’m an optimistic person. I’m a practical intellectual and just another ordinary university student, so to speak. I believe that a Supreme Being exists. But I also believe in the laws of nature. I like coffee and cartoons.

I believe that we are the ones who create our own reality.

Life sucks!!!

sumulat ng reaksiyon sa:
Liham sa mga Kababayang Dalaga sa Malolos
Reaksiyon sa Pacific War
Reaksiyon sa Lecture ni Joma Sison
BAKIT “FILIPINONG HUMANIDADES”?
ALING BAYAN?:SINO ANG ANG NAGHIHINTAY SA IYONG HANDOG NA TALINO AT TALENTO?
Reaksiyon sa Thoughts of a Filipino

REDEN DELA ROSA

sumulat ng reaksiyon sa:
Rizals religious thoughts
Annotations to Morga's 1690's
Reaksiyon sa Eksilo at Panlipunang Pagbabago

MARIE ANTONETTE OYSON

Ang gumawa ng website ng grupo.2002-42895.Bachelor of Library and Information Science.

sumulat ng mga reaksiyon sa:
Y ESPAÑOL ELCANO, EL PRIMERO EN DAR LA VUELTA AL MUNDO
TO THE FLOWERS OF HEIDELBERG
MI RETIRO
EL EMBARQUE: HIMNO A LA FLOTA DE MAGELLANES
ALLIANZA INTIMA ENTRE LA RELIGION Y LA EDUCATION
POR LA EDUCATION RECIBE LUSTRE LA PATRIA
EL COMBATE UZBITONDO, TERROR DE JOLO
A LA JUVENTUD FILIPINA
SA AKING MGA KABABATA
Reaksiyon sa Thoughts of a Filipino
Reaksiyon sa Tagalog Nobility
Reaksiyon sa Friars and Filipinos
Reaksiyon sa Pre-need Plans

DIOMEDES XERXES CASTILLO

Ang leader ng grupo.

sumulat ng reaksiyon sa:
Mi Ultimo Adios
Himno a Talisay
La Liga Filipina

HULING PAALAM

(Mi Ultimo Adios)

Paalam, bayan kong minamahal
lupa mong sagana sa sikat ng araw;
Edeng paraiso ang dito'y pumanaw
at Perlas ng dagat sa may Silanganan.

Buong kasiyahang inihahain ko
kahiman aba na ang buhay kong ito.
maging dakila ma'y alay rin sa iyo
kung ito'y dahil sa kaligayahan mo.

Ang nakikilabang dumog sa digmaan
inihahandog din ang kanilang buhay.
kahit kahirapa'y hindi gunamgunam
sa kasawian man o pagtatagumpay.

Maging bibitaya't, mabangis na sakit
o pakikilabang suong ay panganib
titiising lahat kung siyang nais
ng tahana't bayang aking iniibig.

Mamamatay akong sa aking pangmalas
silahis ng langit ay nanganganinag
ang pisgni ng araw ay muling sisikat
sa kabila nitong malamlam na ulap.

Kahit aking buhay, aking hinahangad
na aking ihandog kapag kailangan
sa ikaririlag ng yong pagsilang
dugo ko'y ibubo't kulay ay kuminang

Mulang magkaisip at lumaking sukat
pinangarap ko sa bait ay maganap;
ikaw'y mamasdan kong marikit na hiyas
na nakaliligid sa silangan dagat.

Sa bukas ng mukha'y, noo'y magniningning
sa mata'y wala nang luhang mapapait
wala ka ng poot, wala ng ligalig
walang kadungua't munti mang hilahil.

Sa aba kong buhay, may banal na nais
kagaling'y kamtan nang ito'y masulit
ng aking kaluluwang handa nang umalis
ligaya'y angkin mo, pagkarikit-dikit.

Nang ako'y maaba't, ikaw'y napataas,
ang ako'y mamatay nang ikaw'y mabigyan
ng isang buhay na lipos ng kariktan
sa ilalim ng langit ikaw ay mahimlay.

Kung sa ibang araw, mayroon kang mapansin
sa gitna ng mga damong masisinsin
nipot na bulaklak sa ibabaw ng libing
ito'y halikan mo't, itaos sa akin.

Sa bango ng iyong pagsuyong kay tamis
pagsintang sa dibdib may tanging angkin
hayaang noo ko'y tumanggap ng init
pagka't natabunan ng lupang malamig.

Hayaang ang buwan sa aki'y magmasid
kalat na liwanag, malamlam pa mandin;
Hayaang liwayway ihatid sa akin
ang banaag niyang dagling nagmamaliw.

Hayaang gumibik ang simoy ng hangin
hayaan sa himig masayang awitin
ng ibong darapo sa kurus ng libing
ang payapang buhay ay langit ng aliw.

Hayaang ang araw na lubhang maningas
gawing parang ulap sa patak ng ulan
maging panganorin sa langit umakyat
ang mga daing ko'y kasama't kalangkap.

Hayaang ang aking madaling pagpanaw
iluha ng mga labis na nagmahal
kapag may nag-usal sa akin ng dasal
ako'y iyo sanang idalangin naman.

Ipagdasal mo rin mga kapuspalad,
mga nangamatay pati naghihirap
mga dusa't sakit ina'y tumatanggap
ng tigib ng lungkot at luhang masaklap.

Ipagdasal mo rin mga naulila
at nangapipiit sakbibi ng diwa;
ipagdasal mo rin tubusing talaga
ang pagka-aliping laging binabata.

Kapag madilim na sa abang libingan
at nilalambungan ang gabing mapanglaw
walang nakatanod kundi pulos patay
huwag gambalain, ang katahimikan.

Magbigay-pitagan sa hiwagang lihim
at mauulinig wari'y mga tinig
ng isang salteryo, ito'y ako na rin
inaawitan ka ng aking pag-ibig.

Kung nalimutan na yaring aking libing
kurus man at bato'y wala na rin mandin
bayaang sa bukid lupa'y bungkalin
at ito'y isabong sa himpapawirin.

Limutin man ako'y di na kailangan
aking lilibuting iyong kalawakan
at dadalhin ako sa 'yong kaparangan
magiging taginting yaring alingawngaw.

Ang samyo, tinig at himig na masaya
kulay at liwanag may lugod sa mata
paulit-ulitin sa tuwi-tuwina
ang aking taimtim na nasa't pag-asa.